" Welcome to Indo Pinoy"

Saturday, July 14, 2012

Chito Alcid Complains Hateful Text Msgs from Annabelle

>
From Aliwan Avenue
Date Published: April 14, 2012

Idinulog ng isang movie reporter kay National Press Club (NPC) President Jerry S. Yap ang aniya'y patuloy na pangha-harass sa kanya sa cellphone at text ng dating aktres at talent manager na si Annabelle Rama.Ayon kay Chito Alcid, patuloy siyang tinatawagan ni Rama ngunit hindi niya sinasagot. Ngunit binabastos naman siya sa text. Hindi ko sinasagot. Heto ang mga text messages:

    Huwag kitang masalubong kahit saan hayop kang bakla kang maniac. Nag-text brigade na ako!
    Di na ako kailangang pumunta sa Pavillion kung saan lagi ang meeting place n'yo. Marami akong pinapupuntang spy para sayo. Di ka naman kasali bakit ka nakikisawsaw hindot kang pangit kang maniac na bakla! Magnanakaw ka putang ina mo!
    Di ako kailangang mainggit sa idol mong kulubot na balyena. Pareho lang kayong dalawa. Gusto mo ng gulo animal ka?
    Magkita tayo ngayon, saan mo gusto? Sa labas ng Pavillon hindot ka!
    Sabi ni Eddie ngayon na!
    OK sa Mandaluyong tayo magkita 12 midnight sa office mo!


Idiniin ni Alcid na hindi sila nagkakampihan nina Amalia Fuentes, Daisy Romualdez at Nadia Montenegro laban kay Rama. Aniya, matatanda na sila para sa ganitong uri ng gulo. Ayaw niya ng pangmatagalang hidwaan at nais niya ng payapang buhay.

Sinabi pa ni Alcid na pawang katotohanan lamang ang kanyang isinusulat dahil karapatan ng mga mambabasa na mabatid ang katotohanan. Hindi aniya siya katulad ng ibang movie reporter na tikom ang bibig at hindi makapagsulat ng katotohanan. "Nakalulungkot. The readers deserve the truth. Kaya hindi tumitigil 'yang si Annabelle, kasi tolerated ng ilang media, kaya feeling niya wasto siya," aniya. Dagdag pa ni Alcid, inakusahan siya ni Rama ng pagbugaw sa kanyang kapatid na mariin naman niyang itinanggi.

Nag-ugat aniya ang matinding galit sa kanya ni Rama nang isulat niya ang kaugnay sa pagtungo ni Rama sa burol ng asawa ni Amalia Fuentes na si Joey Stevens, na sinasabing itinaboy ni Fuentes si Rama. "Dahil sa aking panulat ay tinatakot-takot na ako si Annabelle at nagbabanta. Inaalisan ako ni Rama ng karapatan na mag-report nang tumpak. Sana matulungan ako ng NPC at ng grupo mong kalaban ng mga tiwali," hiling ni Alcid kay Yap.


From Chito Alcid
Date of Post: May 2, 2012

Nag-text sa akin si Rama noong April 11, 2012. Marami siyang kabastusang sinabi at panay ang imbento ang kuwento. Bahagi ng message nya ay ito: "Lumamon ka sa buffet kasama ang boyfriend mo at di ka nagbayad. Ang kapal ng mukha mong siraan ako? Putang ina kang bakla ka! Nakisawsaw ka sa away ng balyena mong idol na di ka man lang nabigyan ni piso at di ka man lang pinapalamon ng bruhang 'yun!"

Sagot ko: Nakakabaliw pala talaga itong si Rama. In the past years, I've been writing good articles about their family lalo na si Richard Gutierrez. I am not expecting anything in return, ako pa!? Nagkita kami sa "Salt & Pepper" resto along Edsa dahil may project ako kay Pilita Corrales at meron siyang performance doon every Thursday night. Kasama ko ang aking alalay na bakla, si Macky. Kumain kami ng buffet siyempre and some drinks. When I asked the waiter for the bill, binayaran na raw nina Annabelle at Eddie. Nilapitan ko sila at nagpasalamat. And told them na huwag nang mauulit 'yun. Nakakahiya naman. And besides, may pera ako, in fact, magbibigay nga ako ng down payment kay Pilita that night. Matapobre si Rama. Akala niya ay isa akong reporter na makikikain at aabutan niya ng PiK. Tapos, ang insidenteng 'yun ay ginagamit niya ngayon at sasabihing hindi ako nagbayad ng kinain?! Anong klaseng nilalang ba itong si Rama? Nakakasuka! Sayang si Eddie, mabait pa naman.


From Chito Alcid
Date of Post: May 11, 2012

Last night, May 10, nagkita-kita na naman kaming members ng Balik Samahan sa tahanan ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales. It was Pempe Rodrigo's 72th birthday celebration too. We attended the event dahil hindi invited si Annabelle Rama. Or else, absent kami ni Amalia Fuentes para umiwas sa nakakahiyang puwedeng maganap. 6:00 pm ay marami ng bisita. Pagpasok ko pa lang ay hinatak na agad ako ng isang grupo para magtsika. Kaya umupo muna ako sa table nina Amparo Lucas, Vina Concepcion Mercado, Lollie Mara, Minda Morena, Encarnita Aviera, Chuchie de Vega, Nellie Obligacion etc. Alam na ninyo kung ano ang topic?

I gave Delia Razon a framed picture na kuha noong siya ay Camay Girl. Nakita ni Lilia Dizon and she said, siya rin ay naging Camay Girl noon. Present sina Gloria Sevilla, Marita Zobel, Barbara Perez, Robert Arevalo, Perla Bautista,Ramil Rodriguez, Liberty Ilagan, Caridad Sanchez, Dulce, Pepito Rodriguez. Dumating din ang movie queen na si Susan Roces na best friend forever ni Pempe. At siyempre, ang kasabay ko sanang dumating na si Amalia Fuentes. She was interviewed that afternoon para this Sunday’s 'Showbiz Central'. Huwag ninyong kaligtaang panoorin dahil maraming pasabog si Amalia sa said talk show.

Dala ko rin ang script ng pelikulang "Talo, Tabla, Panalo" na ididirek ni Buboy Tan. Pinagpilian namin kung sino kina Susan at Amalia ang gaganap. Susan cannot make lagare sa dalawang shooting. Si Amalia naman is available and excited sa project pero hindi raw siya puwedeng mag-shooting ng sagaran hanggang madaling araw.

I requested TV5 staff to cover the event thru Laila Chicadora. And it was shown sa iba’t ibang shows ng Kapatid network. By the way, ang sarap ng food served at the buffet table na pinaluto ni Pempe. Kumanta si Pilita, ganun din si Dulce. The old house of Pilita in Rolling Hills Subdivision, New Manila, QC ay venue kung saan very comfortable kaming lahat. I asked Liberty tungkol sa isyung inaway din ni Rama noon ang pamangkin niyang si Heart Evangelista, and she answered, 'Hindi ko alam!' It was a safe answer dahil hindi mahilig sa trouble si Liberty.

Very maasikaso ang better-half ni Pilita, si Carlos. Okey din ang serbisyo ng mga waiters. Nag-dropped by din ang Manila Bulletin columnist na si Crispina Martinez Belen. Sina Amalia at Marita pala ay high school classmates. Friends of veteran stars Virgie Balatico ay andun. Sayang at hindi nakarating sina Divina Valencia, Marissa Delgado, Nova Villa, Celia Rodriguez, Luz Valdez, Gloria Romero and some regular. Nasa Calatagan Batangas si Gloria shooting a teleserye.

Later in the evening ay nagdatingan sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao kasama ang kanilang anak. Ganun din si Ramon Christopher with 4 kids nila ni Lotlot de Leon. Pero ang pinaka-main star that night ay ang ina ni Pempe Rodrigo na si Mrs. Meding Rodrigo na 97 years old na and still very gorgeous and healthy looking.


source & image credit: Everything in Budget Blogspot

0 comments:

Post a Comment

 

Our Some Major Sources
ABS-CBN News
Inquirer.net
Phil Star
Bida Kapamilya
IamJammed
Showbiznest