<
" Welcome to Indo Pinoy"

Tuesday, December 10, 2013

ABS-CBN 2013 Christmas Station ID Theme Song Lyrics - Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko

>
ABS-CBN has unveiled its 2013 Christmas Station ID with the theme "Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko" paying tribute to different Filipinos, whose inspiring stories have touched the hearts and ignited the passion of people working for the network on and off cam.

ABS-CBN 2013 Christmas Station ID Theme Song Lyrics - Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko
Image Credit: ABS-CBN

This year’s Christmas anthem was written by Robert Labayen, with music composed, arranged and produced  by  Bojam De Belen, Thyro Alfaro and Jeli Mateo. 

The SID song Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko was performed by The Voice of the Philippines coaches Sarah Geronimo, Bamboo and Lea Salonga with grand  winner  Mitoy Yonting and finalists Klarisse De Guzman, Janice Javier and Myk Perez.

Watch the recording sessions for Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko, the ABS-CBN 2013 Christmas Station ID Theme Song (lyrics below).



Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko lyrics
ABS-CBN 2013 Christmas Station ID theme


Bawat Pasko'y may dalang himala
Malakas mang ulan, ito'y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila

Anumang lungkot, tayo'y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa't isa'y mayrong paglingap
Mga pangarap, ngayo'y magaganap

Refrain:
Laging masaya ang kwento ng Pasko
Dahil sino ka man, may nagmamahal sa'yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo

Chorus:
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

wo-oh wo-oh-oh
wo-oh wo-oh-oh
Kwento ng Pasko


Mga ala-ala sa Pasko'y di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin
Umuukit nang malalim

Marangya man ang pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Pamilyang nagmamahalan

(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)

Bridge:
Magbago man lahat sa mundo
Nananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos

(Repeat Chorus)

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Nasaan man sa mundo, magkasama tayo
Nasaan man sa mundo, magkasama tayo
Sa kwento ng Pasko

(Repeat Chorus 3x)

Isang kwento
Iisang kwento
Kwento ng Pasko




0 comments:

Post a Comment

 

Our Some Major Sources
ABS-CBN News
Inquirer.net
Phil Star
Bida Kapamilya
IamJammed
Showbiznest