<
" Welcome to Indo Pinoy"

Wednesday, May 30, 2012

Senator Lito Lapid: Ang hatol ko ay guilty! | Sen. Lapid’s Full Speech during the CJ Corona Impeachment Trial Day 44

>
One of the highlights of the speeches during the conclusion of the Impeachment Trial of Chief Justice was of Senator Lito Lapid who delivered his piece in Filipino and humbly admitted of his lack of knowledge of the constitution due to not being a lawyer and merely a high-school graduate.  He explains that he voted out of his conscience and his obligation to let the truth out.
Read Senator Lito Lapid’s full speech below:
Kasamahan kong senador-judge, prosecution, at depensa, sa ating mga kababayang nanunuod at nakikinig sa TV at radio. Inuulit ko magandang hapon po sa inyong lahat.
Alam niyo po, wala naman akong speech dito, wala po akong dala. Ang mga kasamahan ko dito, pag pinasok sa isip nila, dadalhin sa bibig at maganda na ang sasabihin.
Bilang high school graduate po, marahil iniisip ng ating mga kababayan: “Anong sasabihin ni Lito Lapid na hindi marunong mag-inggles, na hindi maalam sa batas? Ano kaya ang magiging desisyon?”
Didisisyunan po ang katas-taasang hukom na isang high school graduate lang at taga-probinsya ng Pampanga.
Napakinggan ko po ang depensa. Siguro purihin po natin ang depensa. Napakagaling nila sa mga nakakaintindi ng abugasya. Purihin rin po natin ang prosecuton, sa paghanap ng ebidensiya. Nakinig po ako sa bawat ebisensiyang inihain nila dito. Lalung lalo na kay Cong. Farinas. Ang prinisenta niya kahapon dito, para sakin po, malinaw na malinaw na na si CJ Corona ay lumabag sa batas.
Siya mismo inamin niya na may $2.4 million at P80 million na bank account. Yun po siguro hindi na kasinungalin yun, yun po ay totoo na.
Nagpiprisinta po ako dito hindi bilang abugasya. Hindi po ako pwedeng magsalita ng Republic Act dahil hindi maniniwala ang tao sakin. Hindi po ako nagmamarunong dito. Ang ginagamit ko lang po ay konsensya. Representate ako ng masa na hindi nakapag-aral, hindi marunong mag-inggles, walang alam sa batas.
Kaya noon pong nagsasalita si Chief Justice Corona, nagsusumbong sa taumbayan, awang-awa po ako sa kanya.
Akala ko totoo ang sinasabi niya. Hindi pala.
Mas pinaniwalaan ko pa si Cong. Farinas noong nag-Powerpoint dito.

Ngayon ang sinasabi niya, dyan sa isang pizza pie – hindi totoo yan na may 82 akong account. Siguro kung ako ho, ang pagbabasehan ko: Kung isandaang basong tubig nialagay sa apat na drum lang ang kanyang account…
Naawa po ako sa kanya dahil naiintindihan ko po kung anong damdamin niya at ng kanyang
pamilya. Naranasan ko rin po yan.
At sana sa pagkakataong ito, pasasalamatan ko siya dahil noong pangalawa kong panalo bilang senador, sa kanya ako nanumpa bilang senador.

Pasensya na po. Pasensya na po. Ang hatol ko sa inyo, guilty.

source & image credit: http://iamjammed.com

Incoming search terms:

lito lapid impeachment trial may 29 2012, sen lapid speech, manuel farinas impeachment speech, lito lapid speech on impeachment, lito lapid speech at cj corona trial, lito lapid speech at cj cornona, cj corona senator speech, lito lapid impeachment speech, lapids speech on corona, lapids speech, lapid impeachment speech, hindi po ako nagdudunungan dunongan lito lapid konsensya, senator lito lapid\s speech in the impeachments,Lito Lapid Speech, Senator Lito Lapid's Speech on Corona's Impeachment 

0 comments:

Post a Comment

 

Our Some Major Sources
ABS-CBN News
Inquirer.net
Phil Star
Bida Kapamilya
IamJammed
Showbiznest