" Welcome to Indo Pinoy"

Monday, June 25, 2012

DTI: No Expiry Dates on Gift Certificates Starting July 1st

>
Umpisa sa Hulyo 1, wala nang expiry dates ang mga gift check, gift cards o gift certificates (GC).

Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Zenaida Maglaya na alinsunod ito sa DTI Administrative Order No. 10-40, na nilagdaan noong Hunyo 25, 2010, kung saan nakasaad na epektibo Hulyo 1, 2012, lahat ng iiisyu na GC ay wala na dapat expiry date.
"Kapag ang gift check na hawak-hawak n'yo ngayon ay expiring before July 1, gamitin nyo na po. Ngayon, kung ang expiry date ay lalagpas sa July 1 at gusto nyo pong palitan para ma-extend o magkaroon ng expiry date ay puwede nilang iprisinta sa supplier para palitan at alisin ang expiry date," sabi ni Maglaya.

Binanggit naman ni Maglaya na mayroon ding exempted sa kautusang ito lalo na kung sakop ng promo ang isang GC.

"Ang ating exemptions dito ay yung mga gift checks, vouchers, cards or certificate na nakakonekta sa isang promo. Dahil kapag promo mayroong palugit yan may hangganan lamang ang isang promo, may promo period. Kaya kung yung gift check na ibinigay ay nakakabit sa isang promo may expiry date yan, may expiry date yan."

"Pangalawa, yung mga GC na iniisyu ng empleyado para sa reward ng isang empleyado or for loyalty ay exempted din 'yan," dagdag pa ni Maglaya


Sources & Image Credit: DZMM Radyo Patrol via Everything in Budget Blogspot

0 comments:

Post a Comment

 

Our Some Major Sources
ABS-CBN News
Inquirer.net
Phil Star
Bida Kapamilya
IamJammed
Showbiznest