" Welcome to Indo Pinoy"

Tuesday, June 26, 2012

MTRCB Changes Rating of MMK Episode from X to SPG (Philippines)

>
May 'go signal' na mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas sa kontrobersyal na episode ng “Maalaala Mo Kaya" tungkol sa isang dalagitang hinalay ng kanyang amain sa tulong ng mismong nanay niya. Nakatakda na itong i-ere ngayong Sabado (Hunyo 30).

Mula sa unang rating na ‘X,’ nabigyan na ng MTRCB ng rating na 'SPG' na o 'strong parental guidance' ang mapangahas na ‘Cursed Beauty’ episode na pagbibidahan ng dating “Goin’ Bulilit” child star na si Jane Oineza. Ang ‘SPG’ rating ay ipinagkaloob sa naturang palabas matapos dumaan sa masusing proseso ng ahensya magmula nang i-postpone ang pag-ere nito noong Hunyo 2.






Kasama sina Angel Aquino, Carlos Morales, RS Francisco, Vangie Labalan, Ana Abad Santos, Archie Alemania, Gerald Madrid, Jacko Benin, Kyline Alcantara, Liz Alindogan, Jesette Prospero, Minco Fabregas, at Elaine Quemuel. Sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Nuel Naval.


source & image credit: http://everythinginbudget.blogspot.com

0 comments:

Post a Comment

 

Our Some Major Sources
ABS-CBN News
Inquirer.net
Phil Star
Bida Kapamilya
IamJammed
Showbiznest